Base sa natukoy ng Kagawaran ng Kalusugan na lokal na transmisyon ng coronavirus disease, o COVID-19, at ang pagdeklara nito ng Code Red Alert Sublevel 1, nagpasya ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya, o DOST, na pansamantalang ipagliban ang Handa Pilipinas: Innovation in Disaster Risk Reduction and Response Expo, na nakatakdang ganapin ngayong ika-12 hanggang ika-14 ng Marso 2020 sa World Trade Center, Pasay.

Maaaring makipagugnay sa mga opisina ng DOST-National Capital Region (DOST-NCR) o sa DOST-Technology Application and Promotion Institute (DOST-TAPI) para sa iba pang detalye ng Handa Pilipinas.

Bisitahin ang website ng ahensiya, www.dost.gov.ph, o opisyal na Facebook Page, DOST-Philippines para sa karagdagang impormasyon.