Lahat ay nagulat sa pagkakaroon ng “Tutok To Win Partylist” na kung saan ang sikat at award-winning entrepreneur at businessman ng pinakamalaking direct selling CEO ay tampok na nominee, si Sam Verzosa ay naghain ng kandidatura kumakailanlan para sa naturang party list.

Matatandaan na simula nang ma-establish more than 10 years ang kanyang kompanya na Frontrow Enterprise ay kilala nang tumutulong ang CEO sa buong kapuluan hindi lamang sa kanilang mga members sa buong mundo pati na rin sa mga nangangailangan lalong lalo na sa panahon ng krisis at delubyo.

“Lagi nating iniisip na wala tayong magagawa, mahina tayo o wala tayong boses. Sa panahong ito ng pandemya, sana mas mangibabaw ang pagtutulungan at pagkilos para sa taumbayan,” sabi ni Sam Verzosa.

Kabilang si Sam sa pararangalan sa iba’t ibang award giving body bago matapos ang taon dahil sa kanyang pinakitang pagtulong sa mga nangangailangan.

Bibigyan siya ng parangal bilang “Philanthropist of the Year.”