Thursday, November 7, 2024

Pilipinas – Nakamit ang Ika-51 Marka sa Global Innovation Index 2021

Pilipinas – Nakamit ang Ika-51 Marka sa Global Innovation Index 2021

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ang kaukulang suporta na ibinibigay ng gobyerno para sa micro, small, & medium enterprises
(MSMEs) at iba pang lokal na pribadong kumpanya ay naging bahagi sa pagkakaroon ng magandang innovation capability ng Pilipinas.

Nakamit ng Pilipinas ang ika-51 marka sa Global Innovation Index 2021 report na taunang inilalathala
ng United Nations specialized agency ng World Intellectual Property Organization (WIPO).

Hinirang ang Pilipinas bilang isa sa limang mga bansa sa mundo na naging mahusay ang performance sa innovation kasama ang China, Turkey, Vietnam, at India.

May 132 bansa ang sinuri ng WIPO para sa report ngayong taong 2021.

Sa isang online press conference na ginanap nuong ika-21 ng Setyembre 2021, ang Pilipinas ay
nakilala sa pagbahagi ng innovation, lalo na sa business sector.

Sa katunayan, ang resulta ng mga
innovations na mga ito ay halos kapantay o ang ilan ay higit pa sa mga bansang maituturing na highincome economies.

Malaki ang epekto ng innovation sa bansa, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Karamihan sa mga negosyo at komunidad ay nangangailangan ng bagong imbensyon at pamamaraan upang mapanatili ang kaledad ng mga produkto at serbisyo pati na kaligtasan ng mga empleyado at
mamimili.

Sa GII 2021 report, ang Pilipinas ay ika-apat sa 34 lower middle-income group economies at ika-11 sa 17 bansa sa South East Asia, East Asia, at Oceania.

Gamit ang 80 indicators, ang GII ay sumusuri ng higit sa 130 bansa sa mundo gamit ang kanilang innovation capabilities.

Nailathala din ang magandang pagganap ng bansa pagdating sa dalawang aspeto ng GII, gaya ng Business Sophistication and Knowledge & technology outputs.

Kahit mas mababa ng isang rango ang Pilipinas kumpara sa marka nito nuong 2020, maganda pa din
ang performance ng bansa.

Nuong taong 2014 ay nasa pang 100 rango ang bansa.

Ang kagawaran ng agham at teknolohiya o Department of Science and Technology (DOST) ay
patuloy ang suporta sa pagpapalago at pagpapaunlad ng ating mga MSMEs sa pamamagitan ng mga proyekto gaya ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP).

Ang proyekto ito ang siyang nagbibigay tugon upang makilala ang ating MSMEs hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo.

Kasama na rin dito ang pagbibigay pansin ng kagawaran sa mga pangangailangan ng bansa
sa panahon ng pandemya.

Ang ilang proyekto ng DOST ay nakagawa ng mga locally developed test kits, biomedical devices, disease model, at iba pang mga applications.

“Dahil alam na natin kung saang larangan tayo higit na kailangan, ito ang ating magiging gabay sa paglalaan ng pondo para sa innovation,” saad ni Secretary de la Peña.

“Halimbawa na lamang ng ating magpagtanto ang halaga na tayo ay makapagpasagawa rin ng detection kits. Kung kaya’t ang DOST ay patuloy ang suporta sa mga kumpanyang kagaya ng Manila HealthTek na isang private business working on research and development. Sa pondong laan ng DOST, tayo, kasama ang Manila HealthTek ay nakagawa ng affordable and reliable COVID-19 test kits,” dagdag ni Secretary.

Isa lamang ito sa mga potential businesses na maaaring suportahan ng kagawaran.

Sapagkat isinusulong rin natin ang Science for Change Bill na kung saan nabibigyan ng suporta ang mga MSMEs, kasama na rin na ang network linkages at binibigyan sila ng kapasidad para sa R&D.

“Ang DOST Science for Change Program ay isa sa mga nangungunang programa ng gobyerno na nagbibigay pondo sa paglago ng Science and Technology (S&T) Human Resource and Development (HRD) and Research and Development (R&D) projects,” ani ni Undersecretary Guevara.

“Inumpisahan na natin ang pagcapacitate sa mga business sa pamamagitan ng Business Innovation Through Science and Technology (BIST) Program at gayundin ang pagtatatag ng partnerships between enterprises/businesses and universities or government R&D institutions sa pamamagitan Cradle (Collaborative Research and Development to Leverage Philippine Economy) program,” dagdag ni Undersecretary Guevara.

Kasama sa virtual press conference ang Kalihim ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na sina
Secretary Ramon M. Lopez ng DTI, Secretary Gregorio Honasan ng DICT, Secretary Karl Kendrick
Chua ng NEDA, Director General Rowel S. Barba ng IPOPHIL, Secretary Delfin Lorenzana ng DND,
Secretary Francisco Duque ng DOH, Secretary Roy A. Cimatu ng DENR, Secretary Alfonso G. Cusi
ng DOE, Secretary William D. Dar ng DA,Secretary Arthur Tugade ng DOTR, at Chairman Prospero
E. de Vera ng CHE.

Kasama rin natin ang ilang miyembro ng WIPO o World Intellectual Property Office na sina Dr. Sacha Vincent and Mr. Marco Aleman.