Ng pagmamahal:

Lumalaban

Nang Mahinahon,
Walang

Dugo
Ngunit

Lumalatay
Gaya ng halik

Bawat salitang
Bibitiwan

Malalim
Ang pinaghugutan

Mula ugat
Ngunit pinayapa

Ng paulit-
Ulit

Na pagrepaso
Sa isip,

Sa dibdib,
Sa palad:

Paano nga ba
Iaalok

Ang paglayo,
Pagbalikwas

Pagtiwalag
Sa sakit?

Rosas
Ng pag-asang

Hindi nananaginip
Rosas

Sa susong bukal
Ng lakas

Sa bagong
Silang

Rosas
Sa higpit

Ng kamao
Di susontok

Kundi
Kakapit

Hahawak
Yayakap

Gaya ng bulaklak
Ubod ng prutas

Sinag
Ng panibagong

Araw