Schizoprano Nicole Laurel Asensio launches her latest single “Poblacion” on October 16 via Spotify and on October 17 via Facebook Live.

Sing along with her and the crew with these lyrics:

POBLACION

naglalakad ako nung isang gabi
nang madapa ako sa isang tabi
pinulot ko ang beinte singko sa kalye
baka sakaling swertehin at manalo ng malaki

sabi ko sa mamang may suot na maong
sandali lang po manong puede bang magtanong
nawawala ang syota ko kanina pang “five”
natatakot na ako I hope that she’s still alive

sandali, teka lang patambay d’yan sa tabi
pa-gin and tonic ka naman na pangpatawid
mata’y silaw at tila napapapikit-pikit
Umiinit, umiikot na sa himpapawid

napalingon sa kaliwa, ikaw ba yan o hindi?
kamukha mo lang kasi, baluktot rin ang ngiti
paligid ko’y unti unting dumidilim
dumudulas ang aking dila, bumibitaw ng olihim.

O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
hindi ako lasing

pagdating sa engkanto, pagbukas ng pinto
ako ay dumeretso at biglang lumiko
pagtingin ko sa lamesa nakita ko siya
tinapik ko sa balikat ngunit hindi pala

nalason na ang utak ng paligid ko
sari-saring usok, ingay, alak at likido
naramdaman ko sa ‘king labi ay mayro’ng dumapo
‘di na alam kung totoo o ilusyon lang ito

sa dami ng babae sa paligid ko

Nahanap ko na rin s’ya at nagulat ako

hinila ko s’ya sakin at ‘di nagskandalo

saba’y tanong, “sino ba kasing hinahalikan mo?”

nagising ako bigla, sino ka ginoo?
at may humila sa ‘king braso, yun pala syota ko
galit na marahan n’ya akong tinanong
“sorry, akala ko talaga ikaw” na lang nasabi ko

O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba ang akala mo sa akin?
hindi ako lasing

Usok
Whiskey
Ikot
Labi
Patawad
Baby

O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba ang akala mo sa akin?
hindi ako lasing!

SONG CREDITS

LYRICS and MUSIC:
Nicole Laurel Asensio
Norris Lopez
Ramiru Villacorte

MUSICAL ARRANGEMENT:
Michael Guevarra

EXECUTIVE PRODUCER:
Nicole Laurel Asensio

PRODUCER:
Nicole Laurel Asensio
Ira Cruz

Drums: Jun Austria
Bass: Simon Tan
Guitar: Janno Queyquep
Keyboard: Joey Quirino
Saxophone: Michael Guevarra
Trombone: Isla Antinero
Trumpet: Lester Sorilla

Vocals: Nicole Laurel Asensio and Chito Miranda

Backup Vocals:
Nicole Laurel Asensio
Iwi Laurel
Gino Lopez

Tracking Engineer:  Jess Fermino (Wildgrass Studio)

Mixing Engineer:  Angee Rozul