Thursday, March 6, 2025

HappeningPH Wika! 𝐊𝐖𝐅 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐥𝐚𝐜𝐚𝐧, 𝐍𝐚𝐠𝐝𝐚𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫-𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢𝐧

HappeningPH Wika! 𝐊𝐖𝐅 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐥𝐚𝐜𝐚𝐧, 𝐍𝐚𝐠𝐝𝐚𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫-𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢𝐧

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Matagumpay na naisagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), sa pangunguna na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang Seminar-Training sa Pagsasalin noong 27–28 Pebrero 2025 sa Tanghalang Nicanor Abelardo, Provincial Capitol Compound, Bulacan.

Nakilahok sa pagsasanay ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang paaralan, kolehiyo, at unibersidad sa lalawigan kasama na ang mga kinatawan mula sa Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura, at Turismo (PHACTO) na siya ring nag-organisa upang maisakatuparan ang gawain.

Nagsilbing mga tagapanayam-tagapagsanay ang mga kinatawan mula sa KWF-Sangay ng Salin na sina John Enrico C. Torralba, Chief Language Researcher; Atty. Kriscell Largo Labor, Linguistic Specialist; at John Lerry Dungca, Senior Language Researcher.

Bukod sa pagbibigay ng mga kalaamang at mga napapanahong kalakaran sa pagsasalin sa mga kalahok, naging pokus din ng pagsasanay ang pagkakaroon ng salin sa Filipino ng iba’t ibang materyales na ginagamit ng mga kalahok sa kanilang mga institusyon.

Nagpahatid din ng mensahe ng pasasalamat ang tagapangulo ng KWF na si Dr. Arthur P. Casanova, Bise Gobernador ng Bulacan na si Kgg. Alexis C. Castro, at Nanunungkulang Puno ng PHACTO na si May Arlene DG. Torres.

Ang pagsasagawa ng mga seminar-training sa pagsasalin ay isa sa mga palagiang gawain ng KWF na pinangugunahan ng Sangay ng Salin. Layunin nitong makapagbigay ng mga kaalaman, kasanayan, at maging mga napapanahong kalaakaran sa wika at pagsasalin (capacity building) sa mga empleado ng pamahalaan at maging sa iba pang nais na makilahok sa pagsasanay.