Saturday, November 23, 2024

HappeningPH Wika! 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟒: 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫-𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢𝐧 (𝐓𝐮𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧)

HappeningPH Wika! 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟒: 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫-𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢𝐧 (𝐓𝐮𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧)

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inaanyayahan ang mga Yunit ng Pamahalaang Lokal (LGUs), mga Tanggapan ng Pambansang Pamahalaan (NGAs), mga Pampamahalaang Unibersidad at Kolehiyo (SUCs), at iba pang mga pampamahalaang opisina sa Rehiyon 7 (Western Visayas) at Rehiyon 8 (Eastern Visayas) na lumahok sa SALINAYAN 2024: Seminar-Training sa Pagsasalin na isasagawa sa 19-21 Nobyembre 2024, 9:00nu-3:00nh na isasagawa sa pamamagitan ng ZOOM para sa mga lalahok nang online at sa Cebu Normal University naman para sa mga lalahok nang aktuwal sa ilalim nang modang HyFlex.

Layunin ng SALINAYAN na linangin ang kaalaman at kasanayan ng mga empleado ng mga opisina ng pamahalaan hinggil sa pagsasalin ng mga gabay ng mamamayan (Citizen’s Charter) at iba pang materyales pampamahalaan gamit ang wikang Filipino at maging mabisang kasangkapan sa mas episyenteng komunikasyong tuon sa serbisyo at pangkalahatang publiko.

Tatanggap lamang ang KWF ng opisyal na intensiyon sa paglahok hanggang 14 Nobyembre 2024 (Huwebes) sa pamamagitan ng pagsagot sa https://forms.gle/zpV1TQ4hdjdfYdu46. Makalipas ang rehistrasyon, magpapadala ng pabatid ang KWF kung isa kayo bilang kinatawan ng inyong opisina sa nakapasok sa limitadong bilang ng inaasahang kalahok sa isasagawang seminar-training.

Ang SALINAYAN 2024: Seminar-Training sa Pagsasalin ay isa sa mga pagsasanay na ibinibigay ng KWF sa pangunguna ng Translation Division (Sangay ng Salin).