Monday, May 5, 2025

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠𝐏𝐇 𝐖𝐢𝐤𝐚! 𝐊𝐖𝐅, 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐧𝐢𝐭𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐭 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐨𝐛𝐨 𝐃𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐔𝐒𝐌

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠𝐏𝐇 𝐖𝐢𝐤𝐚! 𝐊𝐖𝐅, 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐧𝐢𝐭𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐭 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐨𝐛𝐨 𝐃𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐔𝐒𝐌

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagsagawa ng monitoring sa proyektong Dokumentasyon ng Wikang Manobo Dulangan ang mga mananaliksik mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sina Kirt John Segui at Dannielle Laggui noong 23–26 Abril 2025 sa Dulangan Village, Senator Ninoy Aquino at Sityo Blanga, Brgy. Nalilidan, Kalamansig, Sultan Kudarat. Ang proyektong ito ay grant na ipinagkaloob ng KWF sa University of Southern Mindanao (USM).

Si Dr. Radji Macatabon ang project leader ng pangkat kasama sina Dr. Rosemarie Sison, Prop. Jovelyn Gesulga, at Prop. Normie Pabinal. Nakipag-ugnayan din ang mga mananaliksik mulang KWF sa Opisina ng Pangulo ng USM, tanggapan ng NCIP Sultan Kudarat Provincial Office, at pamahalaang bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

Isa ang USM, kasama ang Mariano Marcos State University (Isneg) at Confederation of Indigenous Peoples Organizations in Southern Negros Occidental (Binukignon/Binukidnon), sa tatlong institusyon na pinagkalooban ng KWF ng grant. Layunin ng proyekto na makatuwang ang iba-ibang instistusyon sa pagbuo ng mga pananaliksik hinggil sa mga katutubong wika ng bansa.