Wednesday, January 22, 2025

Saturday AM Zumba sa Fidela’s Court, Bangkal w/ Cebuana Microfinance Bonus

Saturday AM Zumba sa Fidela’s Court, Bangkal w/ Cebuana Microfinance Bonus

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Maraming dapat ipagpasalamat sa pagkakataong makapag-zumba mula 6 hanggang 7:30 ng umaga sa Fidela’s Court sa Bangkal, Makati:

  1.  May lakas na dulot ang makapag-unat ng buto at magbanat ng kalamnang buong linggong natulog sa pag-upo sa trabaho,
  2.  May gaang dulot ang pagpawisan sa pag-i-ehersisyo at maagang pagkumpleto sa 10,000 Steps Daily Challenge,
  3.  Maagang nakakapamalengke at nakakapag-almusal nang tama sa pagdaan sa Talipapa na dinadaanan sa pagpunta at pag-uwi galing sa court, at
  4.  Para sa Sabadong ito, ika-9 ng Nobyembre 2019, ay may pa-bonus pang paanyaya ang Cebuana Lhuillier, ang ating neighborhood money remittance service at sanglaan, para sa kanilang Microsavings Account program.

Sa pangunguna ni Sir Jvee Camayra ng Cebuana ay in-orient ang mga pawisan pang mga nagsipag-zumba kung paano mapapadali ang kanilang pag-iimpok sa pamamagitan ng Cebuana Microsavings Account program.

  1.  Kung mayroon ka nang Cebuan Lhuillier card na may chip ay makakapagbukas ka na agad-agad ng iyong Cebuana Microsavings Account sa halagang P50 lamang,
  2.  Kung wala pang card, ay kailangang magbayad ng P100 processing fee para magbukas ng account at makakuha ng card ora mismo!
  3.  Dahil wala itong Minimum Maintaining Balance mananatiling aktibo ang account kahit wala itong deposito o halimbawa’y P500 pa lang ang laman nito,
  4.  Dahil ini-encourage ang pag-iimpok, makakapag-withdraw lamang ang kasapi ng halagang P100 sa minimum kung mayroon na siyang sapat na ipon, at
  5.  Maaaring magamit ang iba pang features ng Microsavings Account, gaya ng online remittance, sa pagda-download ng e-Cebuana App.

Para higit pang maengganyo ang ating Saturday Zumba group, lahat ng nagbukas ng account ay may libreng Cebuana pouch, perfect na pencil case at lalagyan ng mga resibo at perang pamalengke, at Chinky Tan Financial Literacy Booklet!

Dagdag pang maiuuwi ang isang Cebuana umbrella sa mga nagdeposito ng P200 pataas  at Cebuana T-shirt na may larawan nina Alden Richards at Sarah Geronimo sa mga nagpondo ng P1,000 pataas.

Ayon kay Sir Jvee, sa Chinky Tan book ay panalo ka na dahil nagkakahalaga ito ng P500 kung bibilhin sa mga book store.

Mababasa sa libro kung paano higit na mapapalago ang iyong impok at kung paano matatamasa ang benepisyo ng iyong Microsavings Account.

Gamit ng ang iyong Cebuana Microsavings Account ay makakapag-ipon ka na hanggang P50,000 bago ka ma-upgrade sa bagong programa ng Cebuana.

Salamat kina Mommy Rica ng Fidela’s Court at sa mga staff ng Cebuana Lhuillier, sa pangunguna ni Sir Jvee, sa serbisyo publikong ito.