Si Sam Verzosa ay kilala bilang Chief Executive Officer ng tanyag na direct selling company na Frontrow Enterprise na kaliwa at kanan na umaani ng pagkilala mula sa iba’t ibang organisasyon dahil sa pagtulong hindi lamang ngayong kasalukuyang pandemya kundi kahit noon pa ng maitatag ang kanyang negosyo higit sampung taon na ang nakakaraan.

Makikita ang tagumpay ni Sam sa negosyo sa kanila at kanan na billboard sa buong Pilipinas na nagpapakita ng kanilang mga dekalidad na produkto at mga gumagamit nito na mga sikat na aktres at mga influencers. Napakaraming natutulungang kababayang Filipino hindi lamang dito sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo.

Mula si Sam sa Sampaloc, Manila, at nakapagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, itinatag nya ang Frontrow Enterprise kasama ang kanyang partner sa negosyo na si Raymond “RS” Francisco.

Kamakailan lamang, ang kompanya ni Sam ang nagpakilala o nagprisinta sa Miss Universe Philippines na kung saan ay isa lamang ito sa “platform” para ipakita ang pagtulong sa iba’t ibang industriya at para rin mai-promote ang kakayahan ng mga kababaihang Pilipino.

“Lagi nating iniisip na wala tayong magagawa, mahina tayo o wala tayong boses. Sa panahong ito ng pandemya, sana mas mangibabaw ang pagtutulungan at pagkilos para sa taumbayan,” sabi ni Sam Verzosa

Nung nakaraang taon, humigit kumulang P100 milyon in cash and in kind ang naipamigay nina Sam bilang tulong.

Nagsagawa rin ng iba’t ibang feeding programs sa Los Baños, Calauan, at kasama na rin ang food pantry sa San Pablo City. Nagkaroon rin ng iba’t ibang feeding program mula sa pribadong kompanya ni Sam sa halos lahat ng sulok ng Calabarzon.