Thursday, December 11, 2025

Tatlong Pananagutan

Tatlong Pananagutan

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hygge

The arrest and incarceration of former President Rodrigo R. Duterte in March was a huge step forward toward accountability and transitional justice in the country. However, much of this year was still characterized by uncertainty and instability. The 2025 national budget was flagged for irregularities and blank items, leading to questions regarding “pork barrel” allocations and a demand for answers surrounding cuts to critical sectors such as education and healthcare.

Vincent Carlo L. Legara, “2025: The year Filipinos crashed out” (BWorldOnline.com: Blueboard, Dec 9, 2025)

 

Pahinga na muna, kapatid.

Huminga nang malalim.

Ibuga nang malakas ang hinanakit

Sa bansang sa iyo nakasandig

Gayong ikaw ang huli sa kanyang pagtangi.

 

Hindi mo kailangang magmura

Gaya ng laman at badya ng balita.

Di kailangang manghina sa sapot ng poot

Ng mga pangulong trinaydor ang iyong tiwala.

 

Balika ka muna dito at palitan ang punda,

Tapik-tapikin ang unan hanggang umalsa.

Ipagpag ang kumot at plantsahin ng kamay,

Ibaling ang puso sa pusa sa iyong tabi.

Masdan mo ang gaan ng loob sa kanyang mga mata.

Damhin ang tibok ng kaniyang munting puso

Sa iyong dibdib: Ikaw ang mundo niya.

Wala nang iba.

 

 

 

Ikigai

Meanwhile, another chapter in the Marcos-Duterte feud was written through the impeachment of Vice-President Sara Duterte in February. However, the expected trial suffered a series of legal and political setbacks ultimately leading to the barring of impeachment proceedings until February of next year. The 2025 midterm elections, viewed by many as a battleground between the two political camps, reaffirmed the dominance of political dynasties and patronage politics in the Philippine political system despite reformist victories and notable upsets (for example, Cynthia Villar and Gwendolyn Garcia).

—Vincent Carlo L. Legara, “2025: The year Filipinos crashed out” (BWorldOnline.com: Blueboard, Dec 9, 2025)

 

Huwag mo nang panghinayangan

Ang wala na, gaya ng iyong buwis

Na pinampopondo sa mga sarswela

Ng mga pinunong libo-libo ang sahod,

Bilyon-bilyon ang kurakot, samantalang

Ikaw, dapat lang manatiling mahirap

At nagkakasya sa P500 noche Buena.

 

Bagkus, balikan ang mga salansan ng kahon

Sa bagong silid: Mahapdi man ang alaala

ng mga nawala, narito silang naisalba

ng iyong lakas, ng pagdamay ng mga mahal

sa buhay, nag-aantay na buksan mo’t linisin.

 

Mga aklat ng tula at kuwentong di nabalaho sa baha,

Mga regalo na maaring gamitin o ikaridad,

Mga pagkaing hindi napanis sa tagal ng pagkakubli.

 

Biyaya ang mga ito at milagrong naitabi—sila

Ang naitatabi mong yaman at lakas:

Hindi ka nawalan, napakarami pang madudukot

Na sorpresa, mga kayamanang tigib ng tunay na Ligaya

 

Nilinis lamang ng baha ang hindi na kailangan:

Sa mga kahong ito, kayang-kaya mong linisin

Ang iyong kapalaran, kayang-kayang ituwid ang tindig

Nang walang maaapakan ni ipis o langgam.

 

 

 

 

Gokotta

Since “opening the floodgates,” several government officials, including congressmen, senators, Cabinet members, as well as rank-and-file officials have been implicated in the controversy due to conflict of interest or for allegedly having received kickbacks. In addition, many contractors and firms have been heavily scrutinized and blacklisted for their involvement in substandard and “ghost” infrastructure projects.

—Vincent Carlo L. Legara, “2025: The year Filipinos crashed out” (BWorldOnline.com: Blueboard, Dec 9, 2025)

 

Nilalansi ang iyong pangarap

Ng bilyong-bilyong salaping

Walang mapagtapunan

Milyong-milyong luhong walang

Mapaglakagan: Nakapanghihilakbot

 

Na silang mambabatas at kongresista

At inhinheryong dapat magligtas sa lahat

Ang naglulubog sa gaya mong walang-wala:

 

Pumikit nang mariin, gisingin ang dibdib:

Damhin ang preskong hangin o pinong patak ng ulan,

Pakinggan ang tunog ng bawat patak ng butil ng tubig

Sa yerong bubungan, hagipin nag kaluluwa ang huni

Ng ibon mula sa puno ng sampalok o kawad ng kuryente,

Sundan ang kanilang awit papalayo o ang kanilang huning

Kumakandirit sa uamaga, pakinggan ang yapak ng mga pusang

Humahabol sa dahong ligaw, papasok sa bintana, sa iyong silid

Damhin ang halik ng araw sa iyong dibdib, ang magasapang

Na dila ng muning sa iyong pisngi, ang baba at taas ng iyong

paghinga

 

Ito na ang lahat ng iyong kailangan

Para mangarap at

Magpasalamat

 

Matagal na silang nilisan ng mga ito

Panghawakan mo

 

 

 

Lahok sa Saranggola Blog Awards 2025